top of page
Search
  • BULGAR

Wanted na rapist, arestado

@Balitang Probinsiya | December 6, 2023

BATANGAS -- Isang wanted na rapist ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Brgy. Poblacion Uno, Bauan sa lalawigang ito.


Hindi na muna pinangalanan ng mga otoridad ang suspek habang iniimbestigahan pa ito.


Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa lalawigan.


Napag-alaman na may nagbigay impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ng suspek kaya rumesponde ang mga otoridad at inaresto ang nasabing rapist.


Hindi naman nanlaban ang suspek sa pulisya at sa ngayon ay nakapiit na sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page