top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Wanted na rapist, arestado

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 5, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 5, 2021



CAGAYAN--Isang wanted na rapist ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Naguilattan, Penablanca.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si Michael Marcos, 36-anyos at pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay.


Napag-alamang dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong panggagahasa sa kanyang stepdaughter sa lalawigan.


Ayon sa ulat, nakita ng mga nagpapatrulyang operatiba ang suspek sa nasabing lugar kaya agad itong dinakip.


Hindi naman nanlaban ang suspek at ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page