Wanted na pusher, timbog

@Balitang Probinsiya | January 8, 2021
CAGAYAN DE ORO CITY—Isang wanted na drug pusher ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Camaman-an.
Kinilala ang suspek na si Jojo Lim, residente sa nabanggit na lungsod.
Nabatid na dinakip ng pulisya si Lim sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
Napag-alamang may nag-tip sa pulisya na umuwi sa kanilang bahay si Lim kaya agad rumesponde ang mga awtoridad at inaresto ang suspek.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng pulisya sa nabanggit na barangay



Comments