top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Wanted na pusher, nasakote

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 15, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | April 15, 2023


CAPIZ—Isang wanted na drug pusher ang naaresto, kamakalawa sa Bgy. Cagay, Roxas City sa lalawigang ito.


Kinilala ang suspek na si Ace Azarce, 37, nakatira sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Napag-alaman na nakita ng mga awtoridad si Azarce na umuwi sa kanilang bahay kaya agad itong dinakip.


Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga operatiba at ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page