Wanted na manyakis, tiklo sa hideout
@Balitang Probinsiya | April 25, 2023
ILOILO—Isang wanted na manyakis ang nadakip ng mga tauhan ng pulisya, kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Poblacion, San Dionisio sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Amay Bayona, nasa hustong gulang at pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay.
Napag-alaman na dinakip ng mga tauhan ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape at acts of lasciviousness sa lalawigan.
Nabatid na may nagbigay ng impormasyon sa pinagtataguan ng suspek kaya agad itong sinalakay ng mga awtoridad at dinakip ang manyakis.
Nakapiit na ngayon ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments