Wanted na manyakis, nasakote
@Balitang Probinsiya | April 4, 2023
ILOILO—Isang wanted na manyakis ang nadakip ng mga tauhan ng pulisya, kamakalawa sa kanyang hideout sa bayan ng San Rafael sa lalawigang ito.
Hindi muna pinangalanan ng pulisya ang suspek habang iniimbestigahan pa ito ng mga awtoridad.
Napag-alaman na dinakip ng mga tauhan ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong 4-counts ng kasong rape at acts of lasciviousness sa lalawigan.
Nabatid na may nagbigay impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ng suspek kaya agad itong sinalakay ng mga awtoridad at dinakip ang manyakis.
Nakapiit na ngayon ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments