Wanted na manyakis huli sa hideout
@Balitang Probinsiya | June 08, 2023
ALBAY -- Isang wanted na manyakis ang nadakip ng mga awtoridad kamakalawa sa kanyang hideout sa Legazpi City sa lalawigang ito.
Hindi muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ito ng mga awtoridad.
Ayon sa ulat, inaresto ng mga operatiba ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape.
Kusa namang sumama sa mga awtoridad ang suspek nang dakpin siya sa nabanggit na lungsod.



Comments