top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Wanted na manyakis, arestado

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 12, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | May 12, 2023


ILOILO—Isang wanted na manyakis ang nadakip ng mga tauhan ng pulisya, kamakalawa sa kanyang bahay sa Bgy. Ilaya Poblacion, Barotac Nuevo sa lalawigang ito.


Kinilala ang suspek na si Cris Dela Puerta, 43, residente ng nabanggit na barangay.


Napag-alaman na dinakip ng mga tauhan ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong acts of lasciviousness sa lalawigan.


Nabatid na nakita ng mga awtoridad na umuwi sa kanilang bahay si Dela Puerta kaya agad itong pinuntahan at dinakip.


Nakapiit na ngayon ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page