top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Wanted na manyakis, arestado

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 6, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 06, 2021


CAPIZ--Isang wanted na manyakis na nanghalay sa batang babae ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Poblacion Norte, Ivisan.


Kinilala ng pulisya ang suspek si Efren Flores, nasa hustong gulang at pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong acts of lasciviousness at child abuse sa lalawigan.


Nabatid na may nagbigay-impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ni Flores kaya rumesponde ang mga awtoridad at inaresto ang suspek.


Hindi naman nanlaban ang suspek sa mga awtoridad at sa ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page