Wanted na manyak, timbog sa hideout
@Balitang Probinsiya | October 07, 2023
CAPIZ -- Isang wanted na manyak ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Balijuagan, Roxas City sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Darwin Flores, nasa hustong gulang at pansamantalang nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa lalawigan.
Napag-alaman na may nagbigay impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ng suspek kaya rumesponde ang mga awtoridad at inaresto ang nasabing rapist.
Hindi naman nanlaban ang suspek sa mga awtoridad at sa ngayon ay nakapiit na sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments