@Balitang Probinsiya | October 29, 2023
CAMARINES NORTE -- Isang wanted na manyak ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa bayan ng Mercedes sa lalawigang ito.
Ang suspek ay itinago ng mga awtoridad sa alyas na “Rap”, 20, pansamantalang nakatira sa nasabing lugar.
Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong 2-counts ng kasong rape sa lalawigan.
Napag-alaman na may nagbigay impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ng suspek kaya agad silang rumesponde at inaresto ang nasabing manyak.
Hindi naman nanlaban ang suspek sa mga awtoridad at sa ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.
Comments