Wanted na manyak, arestado
@Balitang Probinsiya | Oct 26, 2021
ALBAY—Isang wanted na manyak ang inaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Jonop, Malinao.
Hindi muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan pa ito ng mga awtoridad.
Nabatid na inaresto ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong Acts of Lasciviousness at child abuse dahil menor-de-edad ang babaeng hinalay nito.
Ayon sa ulat, matagal nang pinaghahanap ng pulisya ang suspek at kamakalawa lang ito natiyempuhang dakpin sa kanyang hideout.
Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments