top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Wanted na mangingisda nasakote

BULGAR
Jan 13, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Enero 13, 2023


SORSOGON—Isang wanted na mangingisda ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Quezon, Bulan.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si Aljun Gimoro, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na barangay.


Napag-alamang dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong paglabag sa Philippine Fisheries Code of 1998.


Ayon sa ulat, nakita ng mga awtoridad na umuwi sa kanilang bahay si Gimoro kaya agad itong dinakip ng mga operatiba.


Hindi naman nanlaban ang suspek at ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page