top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Wanted na magsasaka, timbog

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 27, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | February 27, 2021



CAPIZ—Isang wanted na magsasaka ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Nicolas, Tapaz.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si Sonny Fucbot, nakatira sa Jamindan sa nabanggit na lalawigan.


Napag-alamang inaresto ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong homicide sa lalawigan.


Nabatid na may nag-tip sa pulisya sa pinagtataguan ni Fucbot kaya agad rumesponde ang mga operatiba dahilan kaya nadakip ang suspek.


Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng pulisya sa naturang barangay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page