Wanted na lolo, arestado
@Balitang Probinsiya | August 13, 2023
AKLAN -- Isang wanted na 68-anyos na lolo ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Cabugao, Batan sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si George Bautista, residente ng nasabing barangay.
Napag-alaman na dinakip ng mga awtoridad ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong reckless imprudence resulting to homicide.
Ayon sa ulat, may nagbigay impormasyon sa pulisya na umuwi sa kanilang bahay ang wanted na lolo kaya agad rumesponde ang mga ito at nadakip ang suspek sa nasabing lugar.
Hindi naman nanlaban ang suspek at ngayon ay nakapiit na sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments