top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Wanted na lifeguard, nasakote

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 27, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | April 27, 2023


BATANGAS—Isang wanted na lifeguard ang nadakip ng mga tauhan ng pulisya, kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Calayo, Nasugbu sa lalawigang ito.


Kinilala ang suspek na si Ariston Baon, nasa hustong gulang, lifeguard sa beach resort at pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay.


Napag-alaman na dinakip ng mga tauhan ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong acts of lasciviousness sa lalawigan.


Nabatid na may nagbigay impormasyon sa pinagtataguan ni Baon, kaya agad itong sinalakay ng mga awtoridad at dinakip ang suspek.


Nakapiit na ngayon ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page