Wanted na Koreano, timbog

@Balitang Probinsiya | January 11, 2021
ZAMBALES—Isang wanted na Koreano ang inaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. San Agustin, Castillejos.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Kim Tae Hyeong, pansamantalang nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya si Hyeong sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong large-scale illegal recruitment sa Roxas City, Capiz.
Nabatid na may nakuhang impormasyon ang pulisya sa pinagtataguan ni Hyeong kaya agad itong sinalakay ng mga awtoridad at dinakip ang suspek.
Kusa namang sumama sa pulisya at hindi na nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad sa nasabing lugar.



Comments