top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Wanted na komunistang karnaper, tiklo

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 23, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | September 23, 2023


NEGROS OCCIDENTAL -- Isang wanted na komunistang karnaper ang inaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Yao-Yao, Cauayan sa lalawigang ito.


Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Joshua Rabor, alyas “Ka Jake”, nasa hustong gulang, miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Negros Island at pansamantalang nakatira sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, dinakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong carnapping.


Nabatid na matagal nang pinaghahanap ng pulisya ang suspek at kamakalawa lang itong natiyempuhan para dakpin.


Hindi naman nanlaban ang suspek sa mga awtoridad at sa ngayon ay nakapiit na sa detention cell ng himpilan ng pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page