Wanted na killer, todas sa shootout

@Balitang Probinsiya | December 1, 2020
ALBAY—Isang wanted na killer ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa kamakalawa sa Bgy. San Ramon, Daraga.
Ang suspek ay nakilalang si Rodel Llorena, nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, aarestuhin sana ng mga operatiba si Llorena sa bisa ng warrant of arrest kaugnay sa mga kaso nitong murder, pero biglang pinagbabaril ng suspek ang mga awtoridad.
Kaagad gumanti ng putok ang pulisya kaya napatay ang suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan, samantalang inaresto naman ang dalawang kasamahan ni Llorena sa bahay na sina Felimon Madridano at Honey Boneo.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng baril at mga bala sa pinangyarihan ng insidente.



Comments