top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Wanted na killer, timbog sa hideout

Writer: BULGAR
BULGAR
May 9, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 9, 2023


CAPIZ—Isang most wanted na killer ang nadakip ng mga awtoridad, kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Lagdungan, Tapaz sa lalawigang ito.


Ang suspek ay kinilala na si Romy Cerbas, nasa hustong gulang at pansamantalang nakatira sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, inaresto ng pulisya ang suspek kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong murder sa lalawigan.


Nabatid na matagal nang pinaghahanap ng pulisya ang suspek at kamakalawa lang ito natiyempuhang dakpin.


Kusang sumama ang suspek sa pulisya nang dakpin siya sa nasabing barangay.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page