Wanted na killer, tiklo sa checkpoint
@Balitang Probinsiya | May 1, 2023
NUEVA VIZCAYA—Isang most wanted na killer ang naaresto, kamakalawa sa police checkpoint sa Bgy. Tuao North, Bagabag sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Julius Ramiscal, nasa hustong gulang at pansamantalang nakatira sa nasabing bayan.
Dinakip ng pulisya ang suspek sa police checkpoint sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong murder sa lalawigan.
Ayon sa ulat, may nagbigay impormasyon na lulan ng kanyang kotse si Ramiscal at palabas sana ng nasabing bayan kaya agad naglatag ng police checkpoint ang mga awtoridad na naging dahilan upang mahuli ang suspek.
Hindi naman nanlaban ang suspek at ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments