top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Wanted na killer sa masbate, timbog

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 12, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | March 12, 2023



CEBU—Isang wanted na killer sa Masbate ang naaresto ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Canduman, Mandaue City sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si Rey Buhia, tubong Masbate at pansamantalang nakatira sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong murder sa Masbate


Napag-alaman na may nag-tip sa pulisya sa pinatataguan ni Buhia kaya agad rumesponde ang mga operatiba at dinakip ang suspek.


Nakapiit na ngayon ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page