Wanted na killer sa Iloilo, tiklo sa Aklan
@Balitang Probinsiya | Oct 28, 2021
AKLAN—Isang wanted na killer sa Iloilo ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Caticlan, Malay.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Rex Labtic, 60-anyos at pansamantalang nakatira sa nasabing barangay.
Nabatid na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong murder.
Napag-alamang may nagbigay-impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ng suspek kaya agad itong sinalakay ng mga awtoridad at dinakip ang killer.
Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments