top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Wanted na killer sa Capiz, huli sa Palawan

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 6, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 6, 2021



PALAWAN—Isang most wanted na killer sa Capiz ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa bayan ng Coron.


Kinilala ng pulisya ang suspek si Rodolfo Calunugan, 43-anyos, at pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong double murder sa Roxas City, Capiz.


Nabatid na may nagbigay-impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ni Calunugan kaya agad rumesponde ang mga awtoridad at inaresto ang supek.


Hindi naman nanlaban ang suspek sa mga awtoridad at sa ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page