top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Wanted na killer natimbog

  • BULGAR
  • Nov 20, 2022
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | November 20, 2022


ILOCOS NORTE—Isang wanted na killer ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. 13-Baay, Batac City.


Nakilala ang suspek na si Nestor Bagaoisan, nasa hustong gulang at pansamantalang nakatira sa nasabing barangay.


Nabatid na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong murder sa lalawigan.


Napag-alamang may nag-tip sa pulisya sa pinagtataguan ng suspek kaya agad itong sinalakay ng mga awtoridad at dinakip ang rapist.


Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page