top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Wanted na killer, nasakote

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 12, 2024
1 min read

@Balitang Probinsiya | Pebrero 12, 2024


NEGROS OCCIDENTAL -- Isang most wanted na killer ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa bayan ng Hinigiran sa lalawigang ito.

 

Hindi na muna pinangalanan ng otoridad ang suspek habang iniimbestigahan ito sa himpilan ng pulisya.

 

Ayon sa ulat, inaresto ng mga pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong murder sa lalawigan.

 

Nabatid na matagal nang pinaghahanap ng mga otoridad ang suspek at kamakalawa lang ito natiyempuhang dakpin.

 

Kusang sumama naman ang suspek sa pulisya nang dakpin siya ng mga operatiba sa nasabing bayan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page