top of page
Pokwang.jpg

Wanted na killer, nasakote

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 14, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 14, 2020



BATANGAS—Isang wanted na killer ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Antipolo, Lipa City.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si Joshua Bautista, nakatira sa naturang barangay.


Nabatid na inaresto ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong murder sa lalawigan.


Napag-alamang may nag-tip sa pulisya na nasa loob ng kanilang bahay si Bautista kaya agad rumesponde ang mga awtoridad at dito dinakip ang suspek.


Kusa namang sumama at hindi na nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad sa nasabing barangay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page