top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Wanted na killer, nasakote

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 5, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 5, 2020



BATANGAS—Isang most wanted na killer ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Duhatan, Balayan.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si Rey Madrid, pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay.


Nabatid na inaresto ng pulisya si Madrid sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong mga kasong murder sa Quezon City.


Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ni Madrid kaya agad rumesponde ang mga awtoridad at inaresto ang suspek.


Kusa namang sumama sa mga awtoridad at hindi na nanlaban ang suspek nang dakpin siya sa naturang lugar.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page