Wanted na killer, arestado sa hideout
@Balitang Probinsiya | April 13, 2023
ILOILO—Isang most wanted na killer ang naaresto kamakalawa sa kanyang hideout sa Agtatacay, Dingle sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Aris Macahilo, nasa hustong gulang at pansamantalang nakatira sa nasabing lugar
Napag-alaman na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong murder sa lalawigan.
Ayon sa ulat, may nagbigay impormasyon sa pinagtataguan ni Macahilo kaya agad rumesponde ang pulisya at dinakip ang suspek sa nasabing lugar.
Hindi naman nanlaban ang suspek at ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments