Wanted na killer, arestado
@Balitang Probinsiya | March 18, 2023
ANTIQUE—Isang wanted na killer ang inaresto ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Castillo, Tibiao sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilala na si Ryan Francisco, 28, at pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, inaresto ng mga awtoridad si Francisco sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong murder.
Hindi naman nanlaban ang suspek sa mga awtoridad nang dakpin siya sa nasabing lugar.
Nakapiit na ngayon ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments