Wanted na killer arestado
- BULGAR
- Feb 17, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | Pebrero 17, 2023
SORSOGON – Isang wanted na kiler ang naaresto ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. San Pedro, Prieto Diaz sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Ricky Ontinero, 21-anyos, pansamantalang nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kasong homicide sa lalawigan.
Napag-alaman na may nag-tip sa pulisya sa pinagtataguan ni Ortinero kaya agad rumesponde ang mga operatiba at dinakip ang suspek.
Nakapiit na ngayon ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments