top of page
Search
  • BULGAR

Wanted na killer, arestado

@Balitang Probinsiya | June 29, 2021


CAMARINES NORTE—Isang most wanted na killer ang inaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Magang, Daet.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si Christian Lizaba, 29-anyos at pansamantalang nakatira sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya si Lizaba sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong murder sa lalawigan.


Kusa namang sumaman sa pulisya at hindi na nanlaban ang suspek nang dakpin siya sa naturang barangay.


Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page