top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Wanted na killer, arestado

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 16, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | April 16, 2023


ALBAY—Isang wanted na killer ang naaresto ng mga tauhan ng pulisya, kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Ilaor Sur, Oas sa lalawigang ito.


Kinilala ang suspek na si Nixon Reblando, nasa hustong gulang at pansamantalang nakatira sa nasabing lugar.


Napag-alaman na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong murder sa lalawigan.


Ayon sa ulat, may nagbigay impormasyon sa pinagtataguan ni Reblando kaya agad rumesponde ang pulisya at dinakip ang suspek sa nasabing lugar.


Hindi naman nanlaban ang suspek at ngayon ay nakapiit na.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page