top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Wanted na killer arestado

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 23, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | March 23, 2023



NUEVA ECIJA—Isang wanted na killer ang naaresto ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Diversion, San Leonardo sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si Reynaldo Bauto, nasa hustong gulang at pansamantalang nakatira sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong murder sa lalawigan.


Napag-alaman na may nag-tip sa pulisya sa pinagtataguan ni Bauto kaya agad rumesponde ang mga operatiba at dinakip ang suspek.


Nakapiit na ngayon ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page