Wanted na killer, arestado

@Balitang Probinsiya | January 26, 2021
MARINDUQUE—Isang wanted na killer ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Market Site, Mogpog.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Isidro Bais, Jr., pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay.
Napag-alamang inaresto ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong homicide sa lalawigan.
Nabatid na may nag-tip sa mga awtoridad sa pinagtataguan ni Bais kaya agad rumesponde ang mga operatiba at dinakip ang suspek.
Hindi naman nanlaban si Bais nang nang dakpin siya ng pulisya sa nasabing lugar.



Comments