top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Wanted na kidnaper, todas sa shootout

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 13, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 13, 2020



ZAMBOANGA SIBUGAY—Isang wanted na kidnaper ang napatay nang manlaban at

makipagbarilan sa mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Musso, Tungawan.


Ang suspek ay nakilalang si Sakip Alidjam, nakatira sa naturang barangay.


Ayon sa ulat, aarestuhin sana ng mga operatiba si Alidjam sa bisa ng warrant of arrest kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong kidnapping, pero biglang pinagbabaril ng suspek ang mga tauhan ng pulisya.


Kaagad gumanti ng putok ang mga awtoridad kaya napatay ang suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan.


Nakakumpiska ang mga awtoridad ng baril at mga bala sa pinangyarihan ng insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page