Wanted na kidnaper, arestado
@Balitang Probinsiya | December 9, 2022
AKLAN—Isang wanted na kidnaper ang inaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Dumaguit, New Washington.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Lope Villaran, 37-anyos at pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, inaresto ng mga awtoridad si Villaran sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong kidnapping.
Hindi naman nanlaban ang suspek sa mga awtoridad nang dakpin siya sa nasabing lugar.
Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments