Wanted na kelot, tiklo
@Balitang Probinsiya | May 5, 2023
ALBAY—Isang wanted na lalaki ang naaresto ng mga awtoridad, kamakalawa sa Bgy. Banag, Daraga sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Eugene Arana, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, dinakip ng mga awtoridad ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinakaharap nitong kasong serious physical injury.
Nabatid na may nag-tip sa pulisya na umuwi sa kanilang bahay si Arana kaya agad rumesponde ang mga operatiba na naging dahilan kaya nadakip ang suspek
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga operatiba sa nasabing lugar.



Comments