Wanted na kelot, natiklo
@Balitang Probinsiya | May 21, 2023
CAPIZ—Isang wanted na binata ang nadakip ng mga awtoridad, kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Poblacion Ilaya, Panitan sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilala na si Glen Dador, 26, at pansamantalang nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, inaresto ang suspek kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong attempted homicide sa lalawigan.
Nabatid na matagal nang pinaghahanap ng pulisya ang suspek at kamakalawa lang ito natiyempuhang dakpin.
Kusang sumama ang suspek sa pulisya nang dakpin sa nasabing barangay.



Comments