top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Wanted na kelot, nasakote

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 11, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | August 11, 2023


AKLAN -- Isang wanted na binata ang nadakip ng mga awtoridad kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Arcanghel Sur, Balete sa lalawigang ito.


Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Robert Namardo, 23, at pansamantalang nakatira sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, inaresto ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong paglabag sa Anti-Violence Against Women and Children sa lalawigan.


Nabatid na may nagbigay ng impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ni Namardo kaya agad rumesponde ang mga awtoridad at dito nahuli ang suspek.


Kusang sumama naman ang suspek sa pulisya nang dakpin siya sa nasabing barangay.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page