Wanted na kawatan, huli sa hideout
- BULGAR

- Dec 20, 2020
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | December 20, 2020
CAPIZ—Isang most wanted na magnanakaw ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Mianay, Sigma.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Noel Bullag, pansamantalang nakatira sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, inaresto ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong mga kasong qualified theft sa naturang lalawigan.
Nabatid na nakita ng mga nagpapatrulyang tauhan ng pulisya si Bullag sa nasabing lugar kaya agad itong inaresto ng mga awtoridad.
Hindi na nanlaban ang suspek nang dakpin siya nga pulisya sa naturang lugar.



Comments