top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Wanted na kawatan arestado

BULGAR
Nov 25, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 25, 2022


SORSOGON—Nadakip ng pulisya ang isang wanted na notoryus na magnanakaw kamakalawa sa Bgy. Bucal-Bucalan, Sorsogon City.


Nakilala ang suspek na si Edwin Jabaguero, nasa hustong gulang at pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay.


Napag-alamang dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa mga kinasasangkutan nitong mga kasong qualified theft.


Nabatid na may nagbigay-impormasyon sa pinagtataguan ni Jabaguero, kaya naaresto ang suspek.

Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad at sa ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page