top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Wanted na karnaper, timbog

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 4, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | June 4, 2023


CAPIZ—Isang wanted na karnaper ang inaresto ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Lawaan, Roxas City sa lalawigang ito.


Ang suspek ay kinilala na si Joemarie Altamia, nasa hustong gulang at residente sa nabanggit na lungsod.


Ayon sa ulat, inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong carnapping sa lalawigan.


Nabatid na matagal nang pinaghahanap ng pulisya ang suspek.


Hindi naman nanlaban ang suspek sa mga awtoridad at sa ngayon ay nakapiit na sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page