Wanted na karnaper, tiklo sa hideout
@Balitang Probinsiya | Oct 24, 2021
AKLAN—Nadakip ng pulisya ang wanted na karnaper kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Agcawilan, Lezo.
Hindi muna pinangalanan ang suspek hangga’t hindi nadadakip ang mga kasamahan nito sa sindikato ng carnapping sa lalawigan.
Nabatid na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong carnapping.
Napag-alamang may nagbigay-impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ng suspek kaya agad itong sinalakay ng mga awtoridad at dinakip ang karnaper.
Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments