top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Wanted na karnaper natimbog

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 4, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | March 4, 2023



NUEVA ECIJA—Isang wanted na karnaper ang inaresto ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa bayan ng Guimba sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si Jordan Flores, nasa hustong gulang at residente ng nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong carnapping sa lalawigan.


Nabatid na matagal nang pinaghananap ng pulisya ang suspek at kamakalawa lang ito natiyempuhang madakip.


Hindi naman nanlaban ang suspek sa mga awtoridad at sa ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page