top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Wanted na karnaper nasakote

Writer: BULGAR
BULGAR
May 26, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 26, 2023


CAPIZ—Isang wanted na karnaper sa Iloilo ang inaresto ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Centro, Dao sa lalawigang ito.


Ang suspek ay na si Kyle Bajador, nasa hustong gulang at pansamantalang nakatira sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong carnapping sa Iloilo.


Nabatid na matagal nang pinaghananap ng pulisya ang suspek at kamakalawa lang itong natiyempuhang madakip.


Hindi naman nanlaban ang suspek sa mga awtoridad at ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page