top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Wanted na karnaper nasakote

  • BULGAR
  • Dec 13, 2022
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | December 13, 2022


CAMARINES NORTE—Isang wanted na karnaper ang inaresto ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Sto. Domingo, Vinzons.


Hindi muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ito ng mga awtoridad.


Ayon sa ulat, inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong carnapping sa lalawigan.


Nabatid na matagal nang pinaghananap ng pulisya ang suspek at kamakalawa lang ito natiyempuhang madakip.


Hindi naman nanlaban ang suspek sa mga awtoridad at sa ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page