Wanted na karnaper arestado
- BULGAR
- Dec 3, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | December 3, 2022
CAVITE—Isang wanted na karnaper ang inaresto ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Yakal, Silang.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Salvador Arnedo, 20-anyos at nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, inaresto ng mga awtoridad si Arneda sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong carnapping.
Samantala, nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments