top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Wanted na karnaper, arestado

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 4, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | March 4, 2021



AKLAN—Isang wanted na karnaper ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Makato.


Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Alvin Piano, nakatira sa nabanggit na barangay.


Nabatid na inaresto ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong carnapping.


Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa pulisya na umuwi sa kanilang bahay si Piano kaya agad rumesponde ang mga operatiba at dinakip ang suspek.


Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page