Wanted na illegal recruiter, nasakote
@Balitang Probinsiya | May 15, 2023
TARLAC—Isang wanted na illegal recruiter ang inaresto ng mga tauhan ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. San Manuel, Tarlac City sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Marina Cayanan, 59, nakatira sa nasabing barangay.
Nabatid na dinakip ng pulisya si Cayanan sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinakaharap nitong kasong illegal recruitment.
Ayon sa mga hindi pinangalanang biktima, matapos silang magbigay ng pera kay Cayanan bilang placement fee para makapagtrabaho sa ibang bansa ay hindi na ito nagpakita sa kanila.
Dahil dito, nagsampa ng kasong illegal recruitment ang mga biktima laban kay Cayanan at nang makita ng mga awtoridad ang suspek ay agad itong dinakip sa nasabing lugar.



Comments